Around 12,000 athletes from 17 regions in the country competed in the recently concluded Palarong Pambansa 2024 held in Cebu City last July 9 to 17.
The participating student-athletes showed the spirit of sportsmanship and the values of competitiveness and athleticism.
In a message from the Vice President and former Secretary of the Department of Education, Inday Sara Duterte, she emphasized the profound and significant role of Palarong Pambansa in developing and preparing students to face more significant challenges in life.
“Ang Palarong Pambansa 2024 ay nagpapatunay sa paninindigan at dedikasyon ng DepEd para sa ating mga mag-aaral. Kinikilala din natin ang iba’t ibang mga sektor na tumulong sa DepEd para muli nating maisagawa ito ngayong taon,” she said.
The Vice President also stressed that participating in the annual games was already a victory for the learners.
“Sa ating mga atleta, dito ay hindi kayo uuwing talo — dahil ang inyong partisipasyon sa ating mga kompetisyon ay isa nang tagumpay para sa bawat isa sa inyo,” she said.
The message brought to light the life lessons that the athletes could gain from the game’s lessons of friendship, discipline, perseverance, and resilience as they work towards achieving their dreams.
VP Sara sincerely expressed her gratitude to all the teachers who serve as coaches and second parents to the athletes participating in the Palarong Pambansa 2024, saying that their dedication to their profession has been crucial in the success and achievements of each student-athlete.
Tinatayang 12,000 na mga atleta, guro, at coaches mula sa labimpitong (17) rehiyon ng bansa ang nakilahok sa nakaraang Palarong Pambansa 2024 na ginanap sa Lungsod ng Cebu noong Hulyo 9 hanggang 17.
Ipinakita ng mga estudyanteng atleta ang diwa ng sportsmanship at ang mga pagpapahalaga sa bawat larangan na kanilang sinalihan.
Sa mensahe ni Bise Presidente at dating Kalihim ng Kagawaran ng Edukasyon, Inday Sara Duterte, binigyang diin nito ang kahalagahan at makabuluhang papel ng Palarong Pambansa sa katatagan at paghahanda ng mga mag-aaral upang harapin ang mas malalaking hamon sa buhay.
“Ang Palarong Pambansa 2024 ay nagpapatunay sa paninindigan at dedikasyon ng DepEd para sa ating mga mag-aaral. Kinikilala din natin ang iba’t ibang mga sektor na tumulong sa DepEd para muli nating maisagawa ito ngayong taon,” wika ni VP Sara.
Sinabi din ng Bise Presidente na ang pakikilahok sa taunang laro ay isang tagumpay na para sa mga mag-aaral.
“Sa ating mga atleta, dito ay hindi kayo uuwing talo — dahil ang inyong partisipasyon sa ating mga kompetisyon ay isa nang tagumpay para sa bawat isa sa inyo,” dagdag pa niya.
Taos-pusong pinasalamatan ni VP Sara ang lahat ng mga guro na nagsisilbing coach at pangalawang magulang sa mga atleta na lumahok sa Palarong Pambansa 2024, at sinabing ang kanilang dedikasyon sa kanilang propesyon ay napakahalaga sa tagumpay ng bawat batang atleta.