The Office of the Vice President Caraga Satellite Office has relocated to a new office in Butuan City to better serve the residents of the Caraga region.
It is now located at JC Aquino Avenue in Barangay Bayanihan in Butuan City, which is more accessible to the residents of Surigao del Norte, Agusan del Norte, Agusan del Sur, Misamis Oriental, and Camiguin.
The OVP has established two Assistance Help Desks in Surigao City and Tandag City to improve service delivery.
The help desks are an integral part of the OVP's efforts to bring services closer to the people, making government assistance more accessible and efficient for those who need it the most.
Staff collects documents from the help desks every Friday to ensure efficient processing.
This initiative is part of the OVP's ongoing efforts to provide accessible services to residents across the Caraga region and beyond. With these improvements, the OVP aims to reach even more people and continue offering critical support through its programs and services.
Inilipat na sa bagong lokasyon ang Office of the Vice President (OVP) Caraga Satellite Office upang mas mapabuti ang serbisyo sa mga residente ng rehiyon ng Caraga.
Matatagpuan na ito sa JC Aquino Avenue, Barangay Bayanihan, Butuan City, na mas madali at maginhawa para sa mga residente ng Surigao del Norte, Agusan del Norte, Agusan del Sur, Misamis Oriental, at Camiguin.
Naglagay rin ang OVP ng dalawang Assistance Help Desks sa Surigao City at Tandag City upang mapabilis ang paghahatid ng serbisyo.
Ang mga help desk na ito ay mahalagang bahagi ng mga pagsusumikap ng OVP na mas mapalapit ang mga serbisyo sa mga tao, at mas mapadali ang pag-access ng mga mamamayan sa tulong mula sa gobyerno.
Kinokolekta ng mga staff ang mga dokumento mula sa mga help desk tuwing Biyernes upang matiyak ang mabilis at epektibong proseso.
Ang hakbang na ito ay bahagi ng patuloy na pagsisikap ng OVP na magbigay ng mga serbisyong madaling maabot ng mga residente sa buong rehiyon ng Caraga at iba pang lugar.
Sa mga pagbabago at mga hakbang upang mapabuti ang opisina, layunin ng OVP na mas marami pang tao ang matulungan at patuloy na magbigay ng mahalagang suporta sa pamamagitan ng mga programa at serbisyo nito.