The Office of the Vice President (OVP) conducted a month-long Thanksgiving activity in November across its ten satellite offices nationwide.
The event marked the office’s 89th anniversary, benefiting thousands of Filipinos from various sectors. Recipients received gift packs containing rice, coffee, canned goods, and noodles.
The first leg of the activity was held by Panay and Negros Islands Satellite Office in the Municipality of Makato and Barangay Manocmanoc in Boracay Island.
A total of 4,400 beneficiaries, including e-trike drivers, boatmen, photographers, vendors, solo parents, and members of the Ati-Tribal Community, received the gift packs.
Additionally, the OVP distributed “Pagbabago” Bags for the students and wheelchairs for those in need.
Vice President Sara Duterte shared her heartfelt appreciation:
“Taos-puso akong nagpapasalamat sa suporta, pagtitiwala, at pakikiisa ninyo sa adhikain ng Tanggapan ng Pangalawang Pangulo mula noon hanggang ngayon. Salamat sa inyong tulong sa pagbuo ng matiwasay, maayos, at mapayapang mga komunidad. Sa bawat hakbang na tinatahak ng Tanggapan ng Pangalawang Pangulo, ang kalagayan at kapakanan ninyo at ng inyong mga pamilya ang nangingibabaw sa paghatid namin ng tulong at serbisyo para sa inyo.” (I sincerely thank you for your support, trust, and partnership with the mission of the Office of the Vice President, from then until now. Thank you for your help in building peaceful, orderly, and harmonious communities. With every step the Office of the Vice President takes, the well-being and welfare of you and your families are at the forefront of our efforts in delivering assistance and services to you), Vice President, Sara Duterte said.
The Vice President also highlighted that the gifts being given are not considered aid, but rather a symbol of respect and acknowledgment for the hard work in building a prosperous and inclusive Philippines.
“Ngayong araw, handog namin sa inyo ang munting regalo na tanda ng aming respeto at pagkilanlan sa inyo bilang mga katuwang, kaagapay, at kasangga sa pagbuo ng isang maunlad at inklusibong Pilipinas. Tandaan na ito ay hindi ayuda. Ang mga regalong ito ay bilang pagkilala sa pagsusumikap na ginagawa ninyo para matustusan ang mga pangangailangan ng inyong pamilya, pagsilbihan ang inyong mga komunidad, at maging responsable at produktibong mamamayan anuman ang mga sitwasyong kinakaharap.” (Today, we present to you a small gift as a symbol of our respect and recognition for you as partners, allies, and supporters in building a prosperous and inclusive Philippines. Please remember that this is not assistance. These gifts are a recognition of the hard work you do to provide for the needs of your family, serve your communities, and be responsible and productive citizens despite the challenges you are facing.)
The office expressed gratitude to the local government of Aklan and everyone who contributed to the event’s success.
Ang Tanggapan ng Pangalawang Pangulo (OVP) ay nagsagawa ng isang buwang Thanksgiving Activity sa pamamagitan ng mga satellite offices nito sa buong bansa noong Nobyembre.
Ang naturang aktibidad ay kaugnay sa pagdiriwang ng ika-89 na anibersaryo ng OVP kung saan nakatanggap ng gift packs na nilalaman ng bigas, kape, de-lata, at noodles ang libu-libong Pilipino mula sa iba't ibang sektor.
Ang unang bahagi ng aktibidad ay isinagawa ng Panay at Negros Islands Satellite Office sa bayan ng Makato at Barangay Manocmanoc sa Boracay Island.
Mahigit 4,400 ang naging benepisyaryo, kabilang na ang mga e-trike drivers, boatmen, photographers association, vendors, solo parents, at mga kasapi ng Ati-Tribal Community.
Bukod dito, namahagi rin ang OVP ng mga “Pagbabago” Bags para sa mga estudyante at wheelchair naman para sa mga nangangailangan.
Taos-puso na nagpapasalamat si Vice President Sara Duterte sa mga mamamayan.
“Taos-puso akong nagpapasalamat sa suporta, pagtitiwala, at pakikiisa ninyo sa adhikain ng Tanggapan ng Pangalawang Pangulo mula noon hanggang ngayon. Salamat sa inyong tulong sa pagbuo ng matiwasay, maayos, at mapayapang mga komunidad. Sa bawat hakbang na tinatahak ng Tanggapan ng Pangalawang Pangulo, ang kalagayan at kapakanan ninyo at ng inyong mga pamilya ang nangingibabaw sa paghatid namin ng tulong at serbisyo para sa inyo.”
Binigyang-diin din ng Bise Presidente na ang naturang handog ay hindi isang uri ng ayuda, kundi isang simbolo ng respeto at pagpapahalaga sa sipag ng mga tao sa pagtataguyod ng isang maunlad at inklusibong Pilipinas.
“Ngayong araw, handog namin sa inyo ang munting regalo na tanda ng aming respeto at pagkilanlan sa inyo bilang mga katuwang, kaagapay, at kasangga sa pagbuo ng isang maunlad at inklusibong Pilipinas. "Tandaan na ito ay hindi ayuda. Ang mga regalong ito ay bilang pagkilala sa pagsusumikap na ginagawa ninyo para matustusan ang mga pangangailangan ng inyong pamilya, pagsilbihan ang inyong mga komunidad, at maging responsable at produktibong mamamayan anuman ang mga sitwasyong kinakaharap.”
Nagpasalamat din ang opisina sa lokal na pamahalaan ng Aklan at sa lahat ng tumulong upang maging matagumpay ang aktibidad.