
OVP Thanksgiving Activity beneficiaries in Occidental Mindoro.
The Office of the Vice President (OVP) visited the town of Abra de Ilog in Occidental Mindoro to conduct its Thanksgiving Activity, November last year.
This activity was part of the 89th founding anniversary of the office, during which gift packs were distributed to the indigenous Mangyan people.
The residents expressed their gratitude for being among the beneficiaries of the Thanksgiving Activity.
“Ako ay nagpapasalamat sa mga tao na patuloy na nagbigay ng tulong na katulad sa amin na medyo kulang ang kakayahan sa buhay. Para sa akin, malaking bagay itong tulong para sa aming mga mahihirap,” (I am grateful to the people who continue to help people like us who have limited resources in life. For me, this assistance is a big help for us who are less fortunate,) Isagani Wagwag, one of the beneficiaries said.
Each gift pack contains 10 kilograms of rice and canned goods.
In total, 500 gift packs have been distributed.
Nagsagawa ng Thanksgiving Activity ang Tanggapan ng Pangalawang Pangulo sa bayan ng Abra de Ilog sa Occidental Mindoro noong Nobyembre ng nakaraang taon.
Ito ay bahagi ng ika-89 na anibersaryo ng pagkatatag ng opisina, kung saan namahagi ng mga gift packs ang Opisina sa mga katutubong Mangyan.
Nagpapasalamat naman ang mga residente dahil kabilang sila sa mga benepisyaryo sa ginanap na Thanksgiving Activity.
"Ako ay nagpapasalamat sa mga tao na patuloy na nagbigay ng tulong sa mga katulad namin na medyo kulang ang kakayahan sa buhay. Para sa akin, malaking bagay itong tulong para sa aming mga mahihirap," wika ni Isagani Wagwag, isa sa mga benepisyaryo.
Ang bawat gift pack ay naglalaman ng sampung kilong bigas at mga canned goods.
Sa kabuuan, 500 gift packs ang naipamahagi sa mga benepisyaryo sa Occidental Mindoro.