For the first time, the Office of the Vice President - Southern Mindanao Satellite Office visited Balut Island in the Municipality of Sarangani, Davao Occidental, to distribute PagbaBAGo bags to students last September 10.
From Jose Abad Santos, the team took a passenger boat for more than two hours to reach the said island.
The office first visited Mabila Central Elementary School, where Teacher Jovelie noted that there are instances when parents hold their children back from attending class due to a lack of school supplies.
“Wala pa silang pambili ng mga school supplies then sa availability ng school supplies at ‘yung mga parents nila wala pang pambili ng gamit. ‘Yung hanapbuhay nila ay pangingisda at pagsasaka.” (They do not have money to buy school supplies, and the availability of these supplies is an issue, as their parents are also unable to afford them. Their livelihoods are based on fishing and farming,) Teacher Jovelie, a teacher from MCES said.
The second visit of the OVP Southern Mindanao Satellite Office took place at Tinina Elementary School in Barangay Tinina, Balut Island, Sarangani-Davao Occidental.
Despite the challenging access to the school, the distribution of pagbaBAGo Bags to the students was successful.
Next, the office visited Guillermo A. Olarte Elementary School however, before they could reach the school, their vehicle carrying the bags encountered a breakdown.
As a result, the staff of the OVP Southern Mindanao Satellite Office decided to walk to deliver the pagbaBAGo bags to the students.
On the last day of the OVP Southern Mindanao Satellite Office's visit to Balut Island, they also distributed pagbaBAGo bags at Angel Olarte Elementary School.
The team also visited Tucal Elementary School, where 92 of their learners received Pagbabago Bags wherein a total of 1,278 pagbaBAGo bags were distributed to all the schools in Balut Island.
Although the students from Balut Island, Sarangani-Davao Occidental come from different backgrounds and stories, they share a common dream—to finish their education and have a bright future.
Sa kauna-unahang pagkakataon, bumisita ang Office of the Vice President - Southern Mindanao Satellite Office (SMSO) sa Balut Island sa Bayan ng Sarangani, Davao Occidental, upang maghatid ng mga PagbaBAGo bags sa mga estudyante noong Setyembre 10.
Mula sa Jose Abad Santos, sumakay ang OVP SMSO ng isang pampasaherong bangka na tumagal ng mahigit dalawang oras bago makarating sa nasabing isla.
Unang pinuntahan ng opisina ang Mabila Central Elementary School (MCES), kung saan binanggit ni Teacher Jovelie na may mga pagkakataon na hindi nakakapag-aral ang ilang mag-aaral dahil sa kakulangan ng mga gamit pang-eskwela.
“Wala pa silang pambili ng mga school supplies, at ang availability ng mga gamit ay isang isyu dahil ang mga magulang nila ay wala ring kakayahang bumili. Ang hanapbuhay nila ay pangingisda at pagsasaka,” ayon kay Teacher Jovelie mula sa MCES.
Ang ikalawang pagbisita ng OVP SMSO ay naganap sa Tinina Elementary School sa Barangay Tinina, Balut Island, Sarangani-Davao Occidental. Sa kabila ng mga hamon sa pagpunta sa paaralan, naging matagumpay ang pamamahagi ng mga PagbaBAGo Bags sa mga estudyante.
Sunod na pinuntahan ng opisina ang Guillermo A. Olarte Elementary School, ngunit bago pa man sila makarating sa paaralan, nagka-aberya ang sasakyan nila na nagdadala ng mga bag. Dahil dito, nagpasya ang mga tauhan ng OVP Southern Mindanao Satellite Office na maglakad na lamang upang maipamahagi ang mga PagbaBAGo Bags sa mga mag-aaral.
Sa huling araw ng pagbisita ng OVP Southern Mindanao Satellite Office sa Balut Island, naghatid din sila ng mga PagbaBAGo Bags sa Angel Olarte Elementary School.
Bumisita rin ng opisina ang Tucal Elementary School, kung saan 92 mag-aaral ang nakatanggap ng Pagbabago Bags.
Sa kabuuan, umabot sa 1,278 PagbaBAGo Bags ang naipamahagi sa lahat ng paaralan sa Balut Island.
Bagama’t may kanya-kanyang kwento at pinagmulan ang mga estudyante mula sa Balut Island, Sarangani-Davao Occidental, iisa ang kanilang pangarap—ang makatapos ng kanilang pag-aaral at magkaroon ng magandang kinabukasan.