Through the extension offices, the Office of the Vice President expanded its social and medical services.
The OVP, through the leadership of Vice President Sara Duterte, opened two OVP Public Assistance extension offices in Lipa City and Tondo in Manila.
The Lipa extension office covers the CALABARZON region, which includes Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, and Quezon.
This year, more than six thousand Filipinos have sought assistance from the office, with the majority being senior citizens.
The extension office in Tondo was opened on May 08, 2023.
As of August 2024, the Tondo extension office has assisted around 1,928 Filipinos.
The Vice President the extension offices has provided an opportunity for the OVP to deliver assistance to more Filipinos in need.
“Ginawa po namin ito dahil alam namin na marami sa ating mga kababayan na naninirahan dito ang nangangailangan ng mga serbisyo at programa mula sa ating pamahalaan. Patunay po ito ng aming hangarin sa Office of the Vice President na mapagsilbihan po kayo at mabigyan kayo ng tulong sa pamamagitan ng mga programa at proyekto na ipinapatupad namin ngayon,” (We did this because we know that many of our fellow citizens living here need services and programs from our government. This is a testament to our commitment at the Office of the Vice President to serve you and aid through the programs and projects we are currently implementing,) VP Sara said.
Sa pamamagitan ng mga extension office, mas pinalawak ng Tanggapan ng Pangalawang Pangulo ang mga social services at medical assistance ng opisina.
Sa pamumuno ni Pangalawang Pangulong Sara Duterte, nagbukas ang OVP ng dalawang extension office ng Public Assistance sa Lipa City at Tondo sa Maynila.
Saklaw ng extension office sa Lipa ang rehiyong CALABARZON, na kinabibilangan ng Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, at Quezon.
Ngayong taon, higit sa anim na libong Pilipino ang dumulog sa opisina, kung saan karamihan ay mga senior citizen.
Ang extension office naman sa Tondo ay binuksan noong Mayo 8, 2023.
Mula Agosto 2024, nakapagbigay na ang extension office sa Tondo ng tulong sa humigit-kumulang 1,928 na mga Pilipino.
Ayon sa Pangalawang Pangulo, ang mga extension office ay nagbigay ng pagkakataon sa OVP na makapaghatid ng tulong sa mas maraming Pilipinong nangangailangan.
“Ginawa po namin ito dahil alam namin na marami sa ating mga kababayan na naninirahan dito ang nangangailangan ng mga serbisyo at programa mula sa ating pamahalaan. Patunay po ito ng aming hangarin sa Office of the Vice President na mapagsilbihan po kayo at mabigyan kayo ng tulong sa pamamagitan ng mga programa at proyekto na ipinapatupad namin ngayon,” sabi ni VP Sara.