The Office of the Vice President has served over one million Filipino passengers through its “Peak Hours Augmentation Bus Service (PHABS)- Libreng Sakay Program”.
As of March 6, 2024, the OVP’s Libreng Sakay program served 1,003,968 passengers throughout the country or 663,629 in Metro Manila, 137,455 in Cebu, 123,058 in Bacolod and 79,455 in Davao City.
Drew, a resident of Quezon City, was grateful for the program.
He was the one-millionth passenger of the bus when he boarded the Cubao trip at the Edsa Carousel on March 1.
He received a gift from the OVP and a congratulatory placard as a token.
In Davao City, Gloria, a beneficiary of the program, said she wakes up early in the morning to catch the OVP bus every Wednesday and Thursday in Toril.
“Para sa akin malaking tulong ito kasi sa dalawang araw na routine nila dito sa Toril parang nakakabawas talaga sa pamasahe namin (For me, it is a big help for us because, with the two schedules here in Toril, it can lessen our transportation fares),” Gloria said.
Since 2022, OVP has deployed — one in Bacolod, Cebu, and Davao, and four in Metro Manila.
Isa sa programa ng Office of the Vice President OVP Libreng Sakay program na layuning matulungan ang mamamayang Pilipino sa usaping transportasyon, lalong-lalo na ang mga commuter na naghahabol ng masasakyan.
Natala noong buwan ng Marso ngayong taon ang ika-isang milyong pasahero sa Libreng Sakay program ng Office of the Vice President (OVP).
Siya si Drew, dalawamput isang taong gulang at tubong Cubao, Quezon City na nakahabol pa sa last trip ng OVP Bus sa Edsa Carousel noong Marso a-uno ngayong taon.
Maliban sa Luzon, umabot na rin sa kabisayaan ang programa kung saan nakabenipisyo ang karamihan na nakaugalian ang paghihintay sa bus ng OVP tuwing alas sais ng umaga upang libreng makasakay papunta sa mga pinagtatrabahuhan.
Kadalasan sa mga commuter ang nagsasabing malaking tulong ang programa dahil ang magagastos sana sa pamasahe ay kanilang iniipon upang magasto sa pang araw-araw na pangangailangan.
Sa ngayon, mayroong pitong bus unit ang umarangkada sa buong bansa upang maghatid ng libreng serbisyo sa mga Pilipino.
Apat na bus units ang bumibyahe sa Metro Manila at tag isa naman sa Bacolod at Cebu City sa Visayas maging sa Davao City sa Mindanao.
Upang masiguro ang kaligtasan ng bawat pasaherong sasakay sa bus, mayroong closed circuit television o cctv ang loob ng bus.
Sa pinakahuling datos mula sa OVP sa nasabing bilang na isang milyong pasahero kinabibilangan ito ng 700,000 mula sa Metro Manila, 137,455 sa Cebu at 123,058 sa Bacolod.
At sa Mindanao, partikular na sa Davao City umabot na sa 80,000 pasahero ang naka benipisyo sa Libreng Sakay program.
Mayroon itong ruta na Lasang-Roxas at vice versa tuwing araw ng lunes at martes.
Toril -Roxas at vice versa tuwing miyerkules at huwebes.
At rotang Calinan-Roxas at vice versa tuwing araw ng byernes at sabado.
Bumibyahe ang mga bus mula alas 5:00 ng umaga hanggang alas 9:00 ng umaga at alas 5:00 ng hapon hanggang alas 10:00 gabi, lunes hanggang sabado.
Una ng inihayag ni Bise President Inday Sara Duterte na magbigay ng karagdagang dalawang bus units si Senadot Christopher Lawrence ‘Bong’ Go.
“ Dunay bag-o nga duha ka bus units sa atoang Libreng Sakay. Isa ni sa feedback na nakuha nato sa mga katawhan nga dako kaayo og tabang sa ilaha tungod duna sila’y savings gikan sailang kaugalingon na kwarta kay libre man ang ilang pag-commute
(Mayroong dalawang bagong bus units sa libreng sakay. Isa sa mga feedback na nakuha natin galing sa commuters ay malaking tulong ito para sa kanila na makatipid sa gastos dahil libre na ang kanilang transportasyon,)" ang sabi ni VP Sara Duterte.
Nagsimula ang Libreng Sakay program noong taong 2022 o sa pagsisimula ng termino ni Inday Sara bilang Pangalawang Pangulo ng bansa.