Amid the heartache brought by a devastating fire that tore through a densely populated village of Davao City recently, Vice President Sara Duterte’s visit to the residents at the evacuation center offered them comfort.
Around 100 families were temporarily sheltered at the Magallanes Elementary School after a fire hit their homes in Barangay 2-A last July 14.
A day after the fire, VP Sara arrived at the evacuation center with a message of empathy and support.
The Office of the Vice President Southern Mindanao Satellite Office also provided assistance to the affected families.
Her presence was a balm for the wounded community, providing comfort and a sense of connection during their darkest hour.
“Dako kaayo mi ug kalipay tawon sama sa amoa na nasunugan na nakahinumdum pa tawon sa amoa si Vice President na makaduaw sa amoa,” (Despite what happened, we are very happy that Vice President remembered and visited us). Judith Cocjin, one of the fire victims said.
During her visit, VP Sara made it a point to engage with the evacuees personally, especially the families who had lost their children.
Addressing the crowd, VP Sara highlighted the importance of fire safety and prevention.
“Kailangan mag ingat tayo lagi nakausap ko ang isa sa mga biktima ng sunog, sabi niya na dahil daw ito sa mga bata na naglalaro ng apoy. Di paman final ang investigation pero paalala natin sa lahat na turuan nila ang mga bata na kung ano 'yung mga delikado lalo na sa mga gamit na posibleng mag cause ng sunog.” (We always need to be cautious. I spoke with one of the fire victims, and they mentioned that the fire might have been caused by children playing with fire. Although the investigation is not yet final, let’s remind everyone to teach their children about the dangers of fire, especially with items that could potentially start a fire,) VP Sara said.
The Vice President also underscored the critical need for enhanced disaster preparedness.
“Unang-una ipaalam sa mga tao ang mga peligro na kasama ng mga kalamidad para alam nila paano sagipin 'yung sarili nila at pangalawa ang pagrespond at pagrescue kailangan ng training 'yun at dapat paghandaan ng mga barangay lalo na ang ating bayan ay disaster prone dahil sa pagbaha, pagputok ng bulkan, bagyo at iba pang kalamidad,” (First and foremost, inform people about the dangers associated with disasters so they know how to protect themselves. Secondly, response and rescue require proper training, which should be prepared for by local barangays, especially since our area is prone to disasters such as flooding, volcanic eruptions, typhoons, and other calamities,) VP Sara said.
VP Sara’s visit was more than a symbolic gesture; it was a powerful moment of leadership and compassion that offered tangible support and hope to a community in crisis.
Sa gitna ng kalungkutan dulot ng malagim na sunog na sumira sa maraming tahanan sa isang barangay ng Davao City kamakailan, nagbigay ng liwanag si Bise Presidente Sara Duterte sa mga residente sa evacuation center.
Tinatayang 100 pamilya ang pansamantalang naninirahan sa Magallanes Elementary School matapos ang sunog na tumama sa kanilang mga bahay sa Barangay 2-A noong Hulyo 14.
Isang araw pagkatapos ng sunog, dumating si VP Sara sa evacuation center na may dalang mensahe ng pakikiramay at suporta.
Nagbigay rin ng munting handog ang Office of the Vice President Southern Mindanao Satellite Office sa mga naapektuhang pamilya.
Ang kanyang presensya ay naging ginhawa para sa isang nalugmok sa kahirapan matapos ang trahedya, nagbigay ng pag-asa at koneksyon sa kanilang pinakamadilim na oras.
“Dako kaayo mi ug kalipay tawon sama sa amoa na nasunugan na nakahinumdum pa tawon sa amoa si Vice President na makaduaw sa amoa,” (Sa kabila ng nangyari, labis ang aming kasiyahan na naisip pa kami ni Vice President at binisita kami), sabi ni Judith Cocjin, isa sa mga biktima ng sunog.
Sa kanyang pagbisita, sinikap ni VP Sara na makipag-ugnayan nang personal sa mga evacuees, lalo na sa mga pamilyang nawalan ng mga anak.
Kaugnay nito muling nagpapaalala si VP Sara sa mga tao na mahalagang mag-ingat para maiwasan ang sunog.
“Kailangan mag-ingat tayo lagi. Nakausap ko ang isa sa mga biktima ng sunog, sabi niya na maaaring sanhi ng mga bata na naglalaro ng apoy ang insidente. Bagamat hindi pa final ang imbestigasyon, paalala natin sa lahat na turuan ang mga bata tungkol sa panganib ng apoy, lalo na sa mga gamit na maaaring magdulot ng sunog,” sabi ni VP Sara.
Ipinaliwanag din ng Bise Presidente kung gaano ka-importante ang pagkakaroon ng maayos na disaster preparedness sa komunidad.
“Unang-una, ipaalam sa mga tao ang mga panganib na kasama ng mga kalamidad para alam nila kung paano protektahan ang kanilang sarili. Pangalawa, ang response at rescue ay nangangailangan ng wastong pagsasanay, at dapat itong paghandaan ng mga barangay, lalo na’t ang ating bayan ay madalas na tinatamaan ng mga kalamidad tulad ng pagbaha, pagputok ng bulkan, bagyo, at iba pang sakuna,” sabi ni VP Sara.
Ang pagbisita ni VP Sara ay isang makapangyarihang sandali ng pamumuno at malasakit na nagbigay ng kongkretong suporta at pag-asa sa isang komunidad na nasa krisis.